Transcript
Page 1: Alamat Ng Mariang Makiling

Alamat ng Mariang Makiling

Noong unang panahon, maraming hayop at makahoy pa ang

mgabundok. Isang araw, isang magsasaka ang pumunta sa bundok.

Mangangahoysiya at manghuhuli ng usa upang may makain ang

kaniyang pamilya.Tuwang-tuwa ang magsasaka. Nakita rin niya ang

hinahanap niyang usa.Ngunit mabilis na nakatakbo ang usa.Sinundan ito

ng magsasaka.Naligaw siya at hindi na niya malaman ang daangpabalik

sa kanila.Nagpatuloy sa paghahanap ng daan ang magsasaka.Isang kubo

ang natanawniya sa gitna ng gubat. At siya ay humanga sa kanyang

nakita.Bumukas ang pinto at isang napakagandang babae ang nakita ng

magsasaka.Nagpakilala ang babae sa magsasaka, dahil pagod na pagod

ang magsasakapinaupo niya ito at binigyan ng ma-iinom at pagkain.At

binigyan niya ito ngisang basket na punong-puno ng gulay at prutas para

sa pamilya ngmagsasaka.Pagdating sa bahay nila iniabot niya ito sa

kanyang asawa.At laking gulatniya, na ang isang basket ng prutas at

gulay ay naging ginto.Ganito din raw nangyari sa kanilang kanayon

nabinigyan din ni MariaMakiling ng tulong.Lumipas ang ilang taon.

Isang araw, nabalitaan nila na may dalawangmasamang taong nagnakaw

sa kubo sa gitna ng gubat. Nagalit si Maria. Mulanoon, hindi na siya

nagpakita sa tao. Gayunman, hindi nila malimot angkabutihang ginawa

ni Maria sa kanila. Tinawag nilang bundok ng MariaMakiling ang

bundok na tirahan ni Maria bilang alaala sa minamahal

nilangmagandang babae.


Top Related